PUMALO na sa mahigit 28 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), pumalo na sa kabuoang 28,052,265 SIM ang nairehistro hanggang noong Pebrero 1, 2023.
Ito ay 16.6% ng 168.97 milyong active subscribers sa Pilipinas.
Pinakamarami sa nakapagparehistro na ay sa Smart Communications Inc. na umabot na sa 14.39 milyon o katumbas ng 21.18% ng 67.99 milyong subscribers nito.
Ang Globe naman ay may mahigit 11.43 milyong registered SIM na o 13.01% ng kanilang 87.87 milyong subscribers habang 2.21 milyon naman sa Dito o 16.92% ng kanilang 13.1 milyong subscribers.
Maari namang iparehistro ang mga SIM hanggang sa Abril 26, 2023. 28 milyong SIM cards