Mahigit 30 mga bansa, ibinida ang produkto at kultura sa int’l bazaar

Mahigit 30 mga bansa, ibinida ang produkto at kultura sa int’l bazaar

HIGIT 30 mga bansa ang lumahok sa international bazaar sa World Trade Center nitong Linggo.

Ilan sa mga bansang nakilahok ay ang bansang Argentina, Australia, Belgium, China, France, India, Japan, South Korea, Mexico, Russia, Singapore at United Arab Emirates.

Sa international bazaar pinatunayang ang tagline nitong ‘Where The World Comes To Shop.’

Isa sa hindi nagpakabog pagdating sa kanilang mayamang kultura at masarap na pagkain ay ang bansang India.

Kung yaman lang din naman ang pag-uusapan ay hindi din papayag ang bansang China na hindi nila maipamalas ang yaman ng kanilang kultura.

At dahil ang bazaar na ito ay inorganisa para makapaglikom ng pondo para sa ilang mga beneficiaries na tinutulungan ng international bazaar katuwang ang Spouses of the Heads of Mission.

Kaya naman ang bansang China ay kabilang sa mga bansang nakilahaok sa event para magbigay ng donasyon.

Nais din ng bansang Nigeria na ipakilala sa mga Pilipino kung ano ang meron sa kanilang bansa.

Kilala naman ang bansang Russia sa vodka, Russian dolls at mga itinuturing na architectural splendor tulad ng St. Petersburg.

Pero alam mo ba na masarap din ang mga pagkain sa Russia? Sa katunayan ayon kay Russian Ambassador Marat Pavlov maraming pagkakapareho ang pagkaing Pinoy sa mga pagkain ng mga Russo?

Hindi maitatago ang hilig ng mga Pilipino pagdating sa tsokolate at keso.

Kaya naman isa sa pinipilahan sa international bazaar ay ang booth ng bansang Switzerland.

Isa rin sa kinagigiliwang bisitahin ng mga turista maging ng mga Pilipino ang bansang Turkey dahil sa magagandang tanawin dito, makasasaya at mayayamang cultural sites, masarap na pagkain at marami pang iba.

Maging ang mga negosyante mula sa bansang Mexico ay hindi pinalampas ang bazaar na ito upang ipatikim ang masasarap nilang pagkain.

Hindi rin pahuhuli ang bansang Japan na isa rin sa mga bansang nais puntahan ng maraming turista dahil sa masasarap na pagkain, kultura, magandang tanawin at marami pang iba.

Kaya naman hindi pinalampas ng kilalang beauty queen at TV host na si Cory Quirino ang bisitahin ang international bazaar.

Tatlong taon din ang nakalipas nang huling magsagawa ng ganitong klaseng bazaar na nagsama-sama ang iba’t ibang embahada na nasa pilipinas upang ilapit sa mga Pilipino ang kanilang mayamang kultura, masasarap na pagkain at iba pang produkto.

At higit sa lahat ang nasabing bazaar ay inorganisa para magbigay ng scholarship sa mga indigenous at mahihirap na mga estudyante sa bansa.

Ayon sa International Bazaar Foundation, nasa 50 scholars na ang kanilang natulungan na makapagtapos sa kanilang pag-aaral.

Sama-sama ang iba’t ibang embahada na nasa Pilipinas upang ilapit sa mga Pilipino ang kanilang mayamang kultura, masasarap na pagkain at iba pang produkto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter