MAHIGIT 300 katao ang na-rescue mula sa malawakang pagbaha sa Northeast Australia.
Ayon sa Queensland State Police, naganap ang pagpapalikas noong Disyembre 17, 2023.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa mga pagbaha.
Nanalasa ang Category 2 Tropical Cyclone sa Wujal Wujal, isang rural town sa Queensland noong Miyerkules, Disyembre 13, 2023.
Mula dito ay nasa 14 na libong kabahayan na ang walang kuryente nitong Lunes.
Nasa 160 libo rin ang nanganganib na mawalan ng suplay ng inuming tubig dahil sa malawakang pagbaha.