Mahigit 400 areas of concern patuloy na binabantayan ng AFP para sa ligtas na halalan

Mahigit 400 areas of concern patuloy na binabantayan ng AFP para sa ligtas na halalan

PATULOY na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mahigit 400 na lungsod at bayan na isinailalim ng Commission on Elections (COMELEC) bilang ‘areas of concern’ para sa darating na Halalan 2025.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng coordinated security operations sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang isang mapayapa at maayos na eleksiyon.

Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa COMELEC at PNP sa pagbibigay seguridad sa mga lugar na inilagay sa iba’t ibang kategorya ng election concern.

Kasabay ng pagbabantay sa identified areas of concern, tiniyak ni Col. Padilla na aabot sa 18,000 sundalo ang nakahandang tumulong sa seguridad ng Halalan 2025, katuwang ang PNP at COMELEC.

Bukod sa election-related threats, patuloy ring binabantayan ng AFP ang iba pang banta sa seguridad kabilang ang communist terrorist groups (CTGs), private armed groups (PAGs) at mga illegal firearms and criminal activities na maaaring manggulo sa eleksiyon.

Binigyang diin din Col. Padilla, na mayroon na silang inilatag na quick reaction forces na agad tutugon sa anumang insidente, tulad ng biglaang engkwentro o ambush, upang maiwasan ang anumang pagtatangkang guluhin ang demokratikong proseso.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter