Mahigit 55% ng nakatatanda sa buong Malaysia, fully vaccinated na- JKJAV

Mahigit 55% ng nakatatanda sa buong Malaysia, fully vaccinated na- JKJAV

MAHIGIT 55% na mga nakatatanda sa buong Malaysia ang nakatanggap ng kumpletong doses ng bakuna, hanggang nitong linggo.

Inanunsyo ng COVID-19 vaccine Supply Access Guarantee Special Committee o JKJAV na nasa 55.6% na ng nakatatandang populasyon ng buong Malaysia, o katumbas ng mahigit sa 13 milyong katao na ang nakatanggap ng kumpletong doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa isang infographic na ibinahagi sa social media, nasa mahigit 18-M indibidwal na ang nakatanggap ng unang doses ng bakuna na ibinigay sa ilalim ng National COVID-19 Immunization Program (NIP).

Matatandaan na ang NIP ay inilunsad noong Pebrero 24 upang magbigay ng bakuna sa mga residente para masugpo ang nakamamatay na COVID-19 sa buong bansa.

Sa kabilang banda, umabot na sa 396,578 ng COVID-19 doses vaccine ang naipamahagi ng JKJAV sa mga residenteng nakatatanda sa buong Malaysia nito lamang lunes.

Sa bilang na ito, 150,469 indibidwal ang nakatanggap ng first dose habang ang natitirang 246,109 ang nakatanggap na ng kumpletong doses ng COVID-19 vaccine.

Sa kabuuan, ang COVID-19 vaccine Supply Access Guarantee Special Committee ay nakapamahagi na ng bakuna na aabot sa mahigit 31-M doses sa buong bansa ng Malaysia.

Samantala, una nang ipinahayag ng bagong Prime Minister ng Malaysia na nasa 6 milyon pang bakuna ang darating sa bansa sa susundo na buwan.

SMNI NEWS