Mayo 1, 2025 – Cebu City – Kasalukuyang isinasagawa ngayong Labor Day ang 123rd Labor Day Job Fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 7 sa SM Seaside City Cebu, na may layuning magbigay ng agarang oportunidad sa trabaho para sa libu-libong aplikante.
Sa ilalim ng temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng mas matatag na Bagong Pilipinas,” tampok sa job fair ang 39 na kumpanyang lumahok upang mag-alok ng mahigit 5,000 lokal at overseas job vacancies para sa mga jobseekers.
Ayon sa DOLE-7, ang job fair ay bahagi ng kanilang mas pinalawak na adbokasiya upang iugnay ang mga manggagawa sa mga oportunidad at matulungan ang mga nawalan ng trabaho o naghahanap ng mas magandang kabuhayan.
Tampok sa mga industriya ang manufacturing, BPO, retail, hospitality, at engineering, habang may ilan ring immediate hiring opportunities.
Ang job fair ay bukas sa publiko buong araw ng Mayo 1, at inaasahang daan-daan ang matatanggap sa parehong araw sa ilalim ng “hired-on-the-spot” scheme.