Mahigit 600 aftershocks, naitala matapos ang magnitude 6 na lindol sa Masbate –PHIVOLCS

Mahigit 600 aftershocks, naitala matapos ang magnitude 6 na lindol sa Masbate –PHIVOLCS

PUMALO na sa 651 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 6 na lindol sa Masbate noong Pebrero 16.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang magnitude range ng aftershocks hanggang kaninang alas-8 ng umaga ay mula 1.3 hanggang 4.6.

Sa nasabing bilang, 37 ang naramdaman habang 181 ang plotted earthquakes.

Sa ulat ng Office of the Civil Defense (OCD) kahapon, nasa 440 indibidwal ang direktang apektado ng lindol.

Nagresulta naman ang lindol ng class suspensions, pansamantalang power supply failure at pinsala sa ilang commercial at government buildings.

 

Follow SMNI News on Twitter