NAGKALOOB ng tulong ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa mga biktima ng 6.0 magnitude na lindol sa Davao de Oro.
Mismong si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng tulong na aabot sa 500 pamilya sa bayan ng Monkayo.
Ang bawat isa sa pamilya ay nakatanggap ng P3,000 na cash assistance para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program.
Ayon kay Gatchalian, ang payout ay umpisa ng pagbibigay ayuda sa lahat ng mga karatig bayan na apektado rin ng lindol.
Nangyari naman ang payout Lunes ng umaga.