NAKATANGGAP ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 6,375.8 litro ng forfeited automotive diesel fuel mula sa Bureau of Customs (BOC) sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Ayon sa PCG, nakumpiska ng BOC ang diesel sa isang gasoline station sa Pampanga sa isinagawang random field and confirmatory testing noong Setyembre 2021.
Pinangunahan naman ang turnover ceremony ni Atty. Eleazar Rabanes ng BOC Auction and Cargo Disposal Unit at CG Lieutenant Junior Grade (LTJG) Eunica Marie Tomioka ng PCG Task Unit One-Stop-Shop Subic.
Linagdaan din ng BOC at PCG ang deed of donation and acceptance na nagsasaad na ang diesel ay ibinibigay ng Customs sa PCG upang makatulong dito sa kanilang araw-araw na operasyon.