HINDI bababa sa 64,943 metric tons (MT) ng imported na bigas ang dumating sa gitna ng babala ng mga magsasaka at rice watch group na patuloy na tataas ang retail prices ng staple food.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) noong Enero 12, 2023, ang karamihan sa mga sariwang import ay nagmula sa Vietnam na may 55,303 MT, sinundan ng Thailand na 8,080 MT, Myanmar na 1,040 MT at Pakistan na 520 MT.
Ang pag-import ng bigas ay sakop ng 73 Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC).
Matatandaan namang noong 2022, umabot sa 3.8 milyong MT ang kabuoang imported na butil. imported na bigas