Mahigit P17M, ibinigay ng PCSO para sa drug rehab centers ng DDB

Mahigit P17M, ibinigay ng PCSO para sa drug rehab centers ng DDB

NAGBIGAY ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mahigit P17M (P17,430,072) sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Bilang pagsuporta nila ito sa konstruksiyon ng mga drug abuse treatment and rehabilitation center sa buong bansa.

Umaasa na rin ang DDB na magiging susi ang naturang halaga sa iba’t ibang kinakailangang health interventions upang malabanan ang abuse disorders at magkaroon na rin ng pagbabago sa mga buhay ng drug users.

Maliban dito ay nakikipag-ugnayan din ang DDB sa iba’t ibang educators, youth leaders, social workers, sports at health personalities maging ang anti-drug councils para matulungan sila sa kampanyang ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble