Mahigit P5.3M halaga ng ilegal na droga nasabat sa 2 babaeng estudyante

Mahigit P5.3M halaga ng ilegal na droga nasabat sa 2 babaeng estudyante

ARESTADO ang dalawang babaeng estudyante matapos masabat sa kanila ang mahigit P5M halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-drug operation ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City.

Ayon sa ulat, sa isinagawang operasyon ng District Drug Enforcement Unit, naaresto ang dalawang babaeng estudyante—na kinilala lamang sa mga alyas na “Emma” at “Cristy”, kapwa 18 taong gulang at residente ng Brgy. Pinagbuhatan.

Personal umano na nagtungo sa lugar si Police Brigadier General Aden Lagradante, offer in charge ng EPD, para saksihan ang mga nakumpiskang ebidensiya na tinatayang umabot sa halos walong daang (792.44) gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa 10 malalaking pakete.

Ayon sa EPD, itinuturing na newly identified high-value individuals sa ilegal na droga ang dalawang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Pasig City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, isinumite na sa EPD Forensic Unit sa Mandaluyong City ang mga nakumpiskang ebidensiya para sumailalim sa masusing pagsusuri.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble