Mahigit 50 CPP-NPA supporters sa Central Luzon, nagbalik-loob sa pamahalaan

Mahigit 50 CPP-NPA supporters sa Central Luzon, nagbalik-loob sa pamahalaan

MULI na namang nalagasan ang CPP-NPA Central Luzon matapos na magbalik-loob ang mahigit 50 personalidad ng kilusan nitong linggo lamang.

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga miyembro ng CPP-NPA sa Central Luzon matapos na nagsipagkalas ang mahigit sa 50 miyembro nito.

Boluntaryong sumuko ang dating mga miyembro ng kilusan sa mga operatiba ng Nueva Ecija.

Kabilang sa mga sumuko ang 13 na miyembro mula sa Liga ng Manggagawang Bukid (LMB), Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP).

Kabilang din ang 40  miyembro ng makakaliwang grupo sa ilalim ni Nicomedez Ortiz aka “Dagohoy”.

Kusa ring sumuko sa pamahalaan ang dating miyembro ng Milisya ng Bayan/Pasabilis sa ilalim ng pamumuno ni “Ka Emy” o kilala bilang si  “Ka Aladin” mula pa rin sa probinsiya ng Nueva Ecija.

Narekober din sa mga ito ang isang caliber .38 revolver at isang converted caliber 22 rifle.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director PBGen Matthew Baccay, bahagi pa rin aniya ito ng malawakang implementasyon ng RTF-ELCAC na nangungunang anti-insurgency program ng Duterte Administration.

“Malaking impact itong pagwithdraw ng support ng mga leftist organizations ng mga tao about 53, dito sa Nueva Ecija, if you recall, a month ago, mayroon din tayo sa mga Kadamay about 600 of them. Doon natin makikita yung impact nung National Task Force- ELCAC, na kung saan makikita ng ating mga kababayan yung effect, the real picture nakikita nila in so far as governance is concerned at dito nila nakikita yung mga tulong na ibinibigay ng ating gobyerno,” pahayag ni Baccay.

Giit pa ni Baccay, dahil sa patuloy na pagkalas ng mga miyembro ng komunistang teroristang kilusan, halos papaubos na rin aniya ang pwersa nito sa Gitnang Silangan.

“We are happy to report, yung armadong pakikibaka na tinatawag nila is already lessened, kaunting mga leaders na lang na mahuli natin, they will all be crippled already, yung armed component. So, ngayon nagko-concentrate naman tayo, binibigyan naman natin ng focus on this White Area operations, sa labor, sa mga mahihirap na lugar, poverty-stricken places dito sa atin na kung saan ito yung mga madaling naiimpluwensiyahan kaya nagkakaroon tayo ng counter operations dito,” ani Baccay.

Samantala, isa namang communist terrorist member ang nahuli ng mga operatiba ng 50th Infantry Battalion katuwang ang  Kalinga Police Provincial Office.

Kalaboso ang miyembro ng CPP-NPA na kinilalang si Martin Gamay dahil sa kasong murder at attempted murder sa Sitio Pococ, Brgy Apatan, Pinukpuk, Kalinga sa bisa ng warrant of arrest.

“Our troops from the 50th Infantry Battalion led by Lt. Col. Melanio  Somera together with the operatives of the Kalinga Police Provincial Office served warrants of arrest for murder and attempted murder to a certain Martin ‘Betay’ Gamay,” ayon kay LtGen. Ernesto Torres Jr., Commander, Northern Luzon Command (NoLCom).

Malaking tulong aniya ang mabilis na pakikipag-ugnayan ng mga residente sa lugar sa agarang pagkakaaresto sa nasabing suspek.

“The cooperation of the peace-loving locals in the area helped our security forces reach and successfully apprehend the lawless element,” ani Torres.

Batay sa impormasyon,  kasama sa governments watch list si Gamay na miyembro ng terror group unit na Squad Dos, Kilusang Larangang Gerilya (KLG) Baggas ng Ilocos-Cordillera Regional Party Committee (ICRC).

Nasa pangangalaga na ngayon ng Pinukpuk, Kalinga Municipal Police Station ang suspek para sa proper disposition at documentation.

Personal na nagpaabot ng kanyang pagkilala sa gumagandang relasyon ngayon ng militar at PNP na nagriresulta ng malawakang pagkakahuli at pagsuko ng mga matataas na opisyal ng NPA sa bansa.

“Harmonious working relationship with the PNP backed by the support of the public which is vital to their information-gathering,”  pahayag naman ni Maj. Gen. Laurence Mina, Joint Task Force Tala Commander.

“Let us take this occasion as another leap forward and an opportunity towards ending unlawful violence and “armed struggle” as a means to attain political ends. Malugod at taos-puso namin kayong binabati sa pagbabalik-loob sa gobyerno,” ayon kay, PNP Chief PGen. Dionardo Carlos.

Follow SMNI News on Twitter