Gretchen Barretto, naghandog ng ambulansya sa isang ospital

Gretchen Barretto, naghandog ng ambulansya sa isang ospital

MATAPOS mamigay ng mga grocery box at sako ng bigas sa mga frontliner, ang socialite na si Gretchen Barretto ay ambulansya naman ang inihandog sa isang ospital bilang bahagi ng kanyang “Love is Essential” campaign.

Sa social media post ni Gretchen, ibinahagi nito na magpapadala siya ng ambulansya sa Victor R. Potenciano Medical Center (VRP) sa Mandaluyong na ipinagdiriwang ang 49th anniversary ng ospital.

“That is the wish that I’m granting them. To the frontliners of VRP, on that day we will be granting 1,024 frontliners. Since it’s February and I said it’s the month of love, let’s all spread love. Mine is on Thursday, February 24,” wika ni Gretchen.

Samantala, nag-donate din si Gretchen ng isa pang ambulansya ngunit tumanggi siyang pangalanan ang tatanggap nito.

Matatandaang namahagi kamakailan lang si Gretchen ng bigas sa may 3,300 pamilya sa Cavite City pati na rin ang mga “blue guards” ng mga kilalang executive village sa Metro Manila.

Samantala, minarkahan ni Gretchen ang kanyang ika-28 taon with her partner, businessman Tonyboy Cojuangco, sa pamamagitan ng isang sentimental na montage, kung saan kasama ang mga larawan ng kanilang paglalakbay at kanilang anak na si Dominique, at iba pa.

 

Follow SMNI News on Twitter