Mahigpit na kaso vs smugglers, napapanahon na –mambabatas

Mahigpit na kaso vs smugglers, napapanahon na –mambabatas

IPINANAWAGAN ni Benguet Lone District Rep. Eric Yap na maghain na ng non-bailable na mga kaso laban sa smugglers ang Bureau of Customs (BOC).

Aniya, ang mga ginagawa na ito ng smugglers ay lubos na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka gaya na lang ng nasabat na agricultural products kamakailan na nagkakahalaga ng P20.2-M.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10845, ang malakihang agricultural smuggling na katumbas ng isang milyong piso o mahigit ay kinokonsidera nang economic sabotage.

Dahil dito, hindi na epektibo ayon kay Yap ang panghuhuli lang dahil panahon na upang may maipakulong na rin sa mga ito.

Magugunitang ang Benguet ay isa sa malaking vegetable producer sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter