Mahigpit na security measures at health protocol, ipinapatupad sa gitna ng SMNI Senatorial Debate sa Okada Manila

Mahigpit na security measures at health protocol, ipinapatupad sa gitna ng SMNI Senatorial Debate sa Okada Manila

KASABAY ng SMNI Senatorial Debate sa Okada Manila ngayong araw, ay ang pagtitiyak na naipatutupad ang mahigpit na security measures lalo na ang health protocol.

Ito ay kahit naibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR), na siyang pinakamababang risk level status.

Para sa Health protocols, bago makapasok sa loob ng Okada, ay kinakailangan munang magpresenta ng vaccination card pagkatapos ay dadaan na sa disinfection chamber.

Pagkatapos naman nito, ay dadaan sa facial recognition at walk through metal detector at saka baggage o luggage xray.

Pagdating ng entry point ay ichi-check na ang invitation sa lahat ng guests.

Samantala, itinuturing din na sandatang panlaban sa banta ng virus ang pag-disinfect ng paligid.

Sa Okada Manila, mayroon silang modernong equipment na tinatawag XD 100 disinfectant robot na ginagamit para sa open areas na kayang makaikot ng 20 square meters.

Pagdating naman sa security measures, ayon sa Events Operations Security ng Okada, all set na ang pagtitiyak sa seguridad sa loob at labas ng venue.

Nakapaloob sa Okada Security at Surveillance Department ang K9 units, Tactical Response Team na kinabibilangan ng anti terrorism unit, bomb squads at vip extractions.

Kasama ring nakahanda ang Security and Emergency Services na kinabibilangan ng first aids, ambulances at firetrucks.

Katuwang ng Okada security personnel sa pagbabantay sa kaligtasan at seguridad sa lugar ang PNP personnel at Bureau of Fire Protection mula sa lokal na pamahalaan ng Parañaque City.

Inaasahang mamayang alas 6:00 ng gabi, mag uumpisa na ang SMNI Senatorial Debate.

Katuwang ng SMNI ang The Manila Times at ALV Events International sa pag-organisa sa nasabing event.

Follow SMNI News on Twitter