DAHIL sa inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, muling ihahatid sa taumbayan ang de kalibre, world class at platform based na harapang debate para naman sa mga kandidatong tatakbo sa pagkasenador.
Ngayong gabi, labing isang kandidato ang tumanggap sa hamon ng SMNI para sa Senatorial Debates na gagawin sa Okada Manila.
Karamihan sa mga kandidatong ito ay first time na tatakbo sa pagkasenador pero walang takot na haharap sa mga de kalibreng panelista na sila Professor Carlita Carlos, Dating Congressman Atty. Rolex Suplico, Dante Ang II Chairman at President ng The Manila Times at SMNI Senior Anchor Nori Cardona.
Kumasa sa hamon ngayong gabi, si Deputy Speaker Cong. Rodante Marcoleta at mga dating cabinet secretaries ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Atty. Harry Roque, Atty. Salvador Panelo at Atty John Castriciones.
Aabangan rin ngayong gabi sina Atty. Larry Gadon, Dr. Leo Olarte, Atty Joyce Bailen, Carl Balita, Ibrahim Albani at Atty. Luke Espiritu.
Kumasa rin sa hamon si Deputy Speaker Congw. Loren Legarda na minsan ng nanalo sa pagkasenador.
Isang intellectual, platform based na senatorial debate ang aasahan ng taumbayan ngayong gabi.
Matatandaan na kamakailan ng idaos ng SMNI ang kauna unahang Presidential Debate nito na tumanggap ng kaliwat kanang papuri sa mga kilalang pulitiko at personalidad, netizens at mga ordinaryong mga Pilipino.