MAS pinaigting na seguridad ng pulisya at pag-alalay sa publiko ngayong Undas ay ang pangunahing ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga tauhan nito.
Ani Marbil, inatasan na nito ang lahat ng unit ng pulisya na ibigay ang naayong seguridad at pag-alalay sa publiko ngayong Undas.
Layon nito ang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang ginugunita ang Undas.
Bukod sa mga sementeryo, palalakasin din ng PNP ang kanilang presensiya sa places of convergence gaya ng mga terminal ng bus, pantalan, simbahan, mall, at iba pa.
Kasunod nito, hinikayat ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag at huwag mag atubiling i-ulat sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad at sundin ang tagubilin ng mga kinauukulan.
Follow SMNI News on Rumble