MAKAKALABAN ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic sa pagsisimula ng FIBA World Cup ngayong araw.
Ayon kay Gilas Coach Chot Reyes, hindi sila kumpiyansa na sila ang mananalo dahil malakas ang kabilang koponan.
Pero aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para magtagumpay.
Dagdag pa ni Reyes, tiyak na pahihirapan ng Gilas ang pambato ng Dominican Republic na 3-time NBA All Star na si Karl-Anthony Towns.
Magkakaroon naman ng libreng ticket para sa 2024 Paris Olympic ang mananalo sa palaro.
Samantala, umaasa si Reyes na ang napiling 12 players ng Gilas ang magiging pinakamahusay na team na kanilang na-produced.
Kabilang sa bumubuo ng final 12 ng Gilas para sa FIBA ay sina Scottie Thompson, Rhenza Abando, Japeth Aguilar, Jordan Clarkson, AJ Edu, June Mar Fajardo, Jamie Malonzo, CJ Perez, RR Pogoy, Dwight Ramos, Kiefer Ravena, at Kai Sotto.
Magsisimula ang laro ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic mamayang alas-otso ng gabi sa Philippine Arena.