Makakaliwang transport group na Manibela, sinampahan ng kaso ng QCPD

Makakaliwang transport group na Manibela, sinampahan ng kaso ng QCPD

SINAMPAHAN ng panibagong kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang makakaliwang transport group na Manibela.

Kaugnay ito sa isinagawang transport strike ng grupo noong Hunyo 10-12.

Ayon sa tagapagsalita ng QCPD na si Police Captain Febe Madrid, kasong paglabag sa Republic Act No. 880 Public Assembly Act of 1985 Article 155 ng Revised Penal Code o Alarm and Scandal at Resistance and Disobedience sa Article 151.

Ang dalawang lider na sinampahan ng kaso ay sina Manibela Chairman Mar Valbuena at Reggie Manlapig.

Ayon kay Madrid, nagdulot ng congestion at disorder sa kahabaan ng East Avenue sa Quezon City ang inorganisang tigil-pasada ng mga ito.

Matatandaan na tinutulan ng makakaliwang transport group ang ipinatutupad na public utility vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble