MAKARARANAS parin ngayong araw, February 14, 2025 ng mga pag-ulan ang iba’t ibang panig ng Pilipinas ayon sa PAGASA.
Dulot ito ng tatlong umiiral na weather systems sa bansa.
Sa ilang bahagi ng Visayas at Luzon gaya ng Metro Manila, ang mga pag-ulan ay dulot ng easterlies o ang mga hanging nagmumula sa silangang direksyon patungo sa kanluran.
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang magdadala ng mga pag-ulan sa Mindanao habang shearline o ang salubongan ng mainit at malamig na hangin sa Batanes at Babuyan Islands.
Follow SMNI News on Rumble