KINILALA ng Makati City ang kanilang pinakabagong centenarian sa lungsod.
Ang tinutukoy na centenarian ay isang nagngangalang Florencia Madriaga na ipinanganak noong April 29, 1922.
Personal na ibinigay ni Makati Mayor Abby Binay ang 100 thousand pesos na cash gift at certificate of appreciation sa anak ni Lola Florencia.
Sa kasalukuyan, mayroong 107 naitalang centenarians ang Makati City.