Makati LGU, hihingi ng tulong sa DILG para sa proper transition sa mga barangay na ililipat sa Taguig

Makati LGU, hihingi ng tulong sa DILG para sa proper transition sa mga barangay na ililipat sa Taguig

HINILING ng Makati ang tulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa proper transition sa mga barangay ng siyudad na inilipat na sa pangangasiwa ng Taguig City.

Ito ay matapos ilarawan ni Makati City Mayor Abby Binay, nagkakagulo na ngayon dahil sa magkaibang orders ng pulisya at ng DOJ.

Umaasa rin si Binay na malinawan hinggil sa ownership issues sa mga public school sa Enlisted Men’s Barrios (EMBO).

Giit ni Binay, ang ruling ng Supreme Court ay para lamang sa teritoryo ng mga siyudad at hindi sa ownership rights sa mga pampublikong paaralan na binayaran at pagmamay-ari aniya ng Makati.

Ang sitwasyong ito ay ikinumpara ni Binay sa South Cemetery na pag-aari ng lungsod ng Manila pero ang mga nakapaligid dito ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Makati.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble