Makati LGU, nagsagawa ng kauna-unahang vaccination drive sa palengke

Makati LGU, nagsagawa ng kauna-unahang vaccination drive sa palengke

SINIMULAN ng Makati City government ang bakunahan sa Bangkal Market kahapon.

Ito’y upang mailapit at mas mahikayat pa ang vendors at mga residente na malapit sa palengke na magpabakuna.

Ayon kay Dr. Roland Unson ng Makati Health Department, inilapit na nila ang bakunahan sa mga residente at vendors upang mas mahikayat pa ang mga ito na magpabakuna partikular na ng booster shots.

Aminado rin ang opisyal na ginawa nila ang ganitong inisyatibo dahil nababahala na sila na bumabagal na ang bilang ng mga nagpapabakuna bawat araw kumpara sa mga nagdaang buwan.

Tiniyak din ni Unson na magpapatuloy ang bakunahan sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Makati.

Follow SMNI NEWS in Twitter