Makati — Muling pinatunayan ng Makati City ang kahusayan nito sa larangan ng kalusugan matapos nitong makuha ang ika-apat na puwesto sa buong mundo sa pinakabagong Numbeo Health Care Index para sa unang bahagi ng 2025.
Sa iskor na 85.0 mula sa 100, tanging Makati lang ang lungsod mula sa Pilipinas na nakapasok sa prestihiyosong listahan, na nilampasan pa ang ilang mga kilalang lungsod mula sa Europa at North America.
Batay sa datos mula sa RankingRoyals, nakapantay ng Makati ang Chiang Mai ng Thailand, at lumamang pa sa Seoul, South Korea, na may score na 83.0. Nanguna naman sa listahan ang mga lungsod ng Kaohsiung (88.6) at Taipei (86.7) ng Taiwan.
Ayon sa Numbeo, sinusukat ang ranggo base sa kalidad ng mga healthcare professionals, kagamitan, staff efficiency, doktor availability, at gastos sa serbisyong medikal.
Ang patuloy na pamumuhunan ng Makati sa modernisasyon ng mga ospital at serbisyong pangkalusugan ang nakikitang dahilan sa mataas nitong rating — isang tagumpay na mas naging makabuluhan dahil nakuha ito sa gitna ng matinding global competition.
Follow SMNI News on Rumble