Mala-komunista na ang namamahala sa bansa—Boss Dada

Mala-komunista na ang namamahala sa bansa—Boss Dada

ISANG political vlogger ang nagpahayag ng kaniyang pangamba ukol sa kasalukuyang pamumuno sa bansa. Aniya, ang kasalukuyang administrasyon ay may mga pagkilos na mistulang mula sa mga komunistang ideolohiya at sinusubukang patahimikin ang mga kritiko nito.

Binigyang-diin ni Boss Dada, isang political vlogger na tila mga komunista na ang namamahala sa Pilipinas dahil hindi na umano iginagalang at ipinapatupad nang tama ang mga batas.

“Para sa akin, ang nakikita ko ngayon, komunista na talaga. Wala ng batas, [hindi na nila kumbaga.] Hindi na sila kumukuha ng guidance na pinaghirapan balangkasin na mga batas merong batas pero nilalagpasan nila yun,” pahayag ni Boss Dada.

Aniya, isang manipulatibong estratehiya ang pagsikil sa mga political vlogger upang magawa ng administrasyon ang kanilang mga plano nang walang lumalaban o nagsasalita laban sa kanila

Hugot niya ito matapos ipatawag sa kamara ang ilang social media content creators at political vloggers kaugnay ng umano’y disinformation at fake news.

Ani Boss Dada, patibong lamang ito upang patahimikin ang lahat ng pwedeng mag-ingay laban sa gobyerno lalo pa’t plano nilang patalsikin si VP Sara Duterte

“Ito ay isang trap, ginagawa nila ito dahil may mas madilim silang plano.plano na smooth nilang maidaos itong impeachment kay VP Sara nang walang magco-content ng tungkol dito,” aniya pa.

Matatandaan din na ang mga makakaliwang Kongresista sa Kamara ang una nang nagpahayag ng planong pagpa-impeach sa panglawang pangulo, at ngayo’y namamayagpag na usapin na nga ito sa mga mambabatas.

Naging malaking kontrobersya din ang mga kumalat na larawan ni House Speaker Martin Romualdez kasama ang ilang mga kilalang operatiba ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Samantala, dagdag pa ni Boss Dada, mahusay manlinlang ang mga komunista kaya maging ang media ay may impluwensiya na.

“Manipulated na itong mga media natin, wala tayong nakikitang mga balita patungkol sa totoong estado ng bayang Pilipinas. Ang ipinapakita nila sa mga Pilipino, maayos tayo at ang problema ay mga kalaban ng gobyernong ito,” dagdag paliwanag ni Boss Dada.

Hindi dumalo ang mga vloggers sa house tri-com, sa halip ay naghain sila ng ‘petition for certiorari’ sa Korte Suprema laban sa Kamara, ilang komite at chairman nito upang hilingin na ipagbawal ang pagbabanta sa freedom of speech.

Samantala, hindi lang mga vloggers ang nakaranas ng ganitong pag-uusig. Matatandaan na nauna nang nakaranas ng pagsupil ng kalayaang pamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos ang SMNI at si Pastor Apollo C. Quiboloy na kilalang lumalaban sa mga komunistang teroristang grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble