Kandidatura sa 2028, dahilan ng impeachment bid laban kay VP Sara— Prof. Froilan Calilung

Kandidatura sa 2028, dahilan ng impeachment bid laban kay VP Sara— Prof. Froilan Calilung

NANINIWALA si political analyst Prof. Froilan Calilung na ang posibleng pagtakbo ni Vice President Sara Duterte sa 2028 national elections ang dahilan kung bakit ninanais ng ilang mambabatas na siya ay ma-impeach.

Ayon kay Calilung sa panayam ng SMNI News, maaaring may kumpas ito hindi lamang mula sa Speaker ng Kamara kundi maging sa Malacañang.

Sinabi na ni VP Sara na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbo sa 2028 presidential elections, batay sa mga nakikita niyang kailangang ayusin at baguhin sa bansa.

Aniya, kailangang maging mas ‘competitive’ ang Pilipinas sa buong mundo upang hindi mapag-iwanan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter