SISIGURUHIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magiging sapat ang suplay ng asukal sa bansa lalo na’t nagsisimula na ang panahon ng anihan ng tubó.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Sa Sugar Regulatory Administration (SRA) Order No. 1 na pinirmahan ng Pangulo, nasa mahigit 1.8 milyong metric tons ng asukal ang magagawa mula ngayong buwan hanggang Agosto 2023.
Ang dami na ito ang nakalaang gagamitin ng buong bansa na mabibili sa merkado.
Gayunpaman, maaari pa ring magbago ang ‘adjustment’ na ito ng SRA dahil sa tuluy-tuloy na produksyon ng asukal sa bansa, ayon sa naturang kautusan.