SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglalaan ng malaking pondo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa 2022 National Budget.
Batay sa ipinanukalang budget, 26.3 billion pesos ay para sa DENR kung saan ang 3.7 billion pesos dito ay para sa National Preening Program.
1.8 billion pesos naman para sa Manila Bay Rehabilitation Program at 1.4 billion pesos para sa Environmental Regulations and Pollution Control Program ng ahensya.
Samantala, aabot sa 20 billion pesos ang para sa NDRRMC upang matiyak ang sapat na availability ng resources para sa anumang Risk Reduction and Management activities ng opisina.
Saad ni Pangulong Duterte dito, kinakailangan ang ganito kalaki na budget para sa dalawang opisina lalo pa’t ang geographical location ng Pilipinas ay prone o madalas sa kalamidad gaya ng bagyo, baha, lindol at iba pa.