MULING tiniyak ni Senator Bong Go na aabutin ng health services ng gobyerno ang mga residente sa mga liblib at malalayong lugar sa bansa.
Ang pahayag ng senador ay ginawa nang buksan noong weekend ang ika- 125 na Malasakit Center sa Siargao District Hospital sa bayan ng Dapa sa Siargao Island sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Bukod sa inilagay na one-stop-shop medical assistance ng malasakit center, plano rin ni Senator Go na i-upgrade ang Siargao District Hospital at gagawin itong Siargao Island Medical Center.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay naipasa sa Senado ang naturang batas kung saan tataasan ang bed capacity ng ospital mula sa limampu hanggang isandaan, i-upgrade ang professional healthcare services nito at ilalagay sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health.