TIYAK na babahain ang buong Kamaynilaan kasama na mismo ang Malakanyang kapag matatapos ang mga nakasalang na reclamation projects sa Manila Bay.
Ito ang tahasang sinabi ni chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News kaugnay sa pagsuspinde ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kontrobersiyal na Manila Bay reclamation projects.
Giit ni Enrile, kapag hindi pinigil ng Pangulo at matatapos ang naturang mga proyekto, magdudulot ito ng malakawang pagbaha na tiyak na hindi kakayanin ng gobyerno ang magagastos dito.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Enrile na nasa tamang panahon ang desisyon ni Pangulong Marcos at masuwerte ang mga Pilipino sa hindi ‘pasikatero’ at walang kayabangang Pangulo.
Matatandaan na nasa kabuuang 22 reclamation projects sa Manila Bay ang sumailalim ngayon sa pagsusuri matapos suspindihin ni Pangulong Marcos.