Malaysia at Australia muling pinagtibay at pinalakas ang ugnayan

Malaysia at Australia muling pinagtibay at pinalakas ang ugnayan

MULING pinagtibay ng Australia at Malaysia ang kanilang ugnayan sa ilalim ng Comprehensive Strategic Partnership (CSP).

Ayon kay Foreign Minister Dato Sri Saifuddin Abdullah, napag-usapan nila ng kanyang Australian counterpart na si Penny Wong ang iba’t ibang paraan ng pag-unlad sa pamamagitan ng naturang partnership.

Kabilang na rito ang ekonomiya, people-to-people relations at seguridad ng bansa.

Nauna rito, nagdaos sina Saifudin at Wong ng bilateral meeting na sumasaklaw ng mga paksa hinggil sa dalawang bansa na may kasalukuyang regional at global issues.

Matatandaang itinatag ng Malaysia at Australia ang kanilang bilateral relation sa CSP noong Enero 2021.

Samantala, sinabi naman ni Wong na magsisikap ang Malaysia at Australia na magbigay ng mas malaking momentum sa partnership.

Follow SMNI NEWS in Twitter