GINUNITA ng Malaysia at South Korea ang kanilang 40 anibersaryo ng pagtutulungan sa bilateral relation sa ilalim ng Look East Policy (LEP).
Ang LEP 40 opening reception sa Seoul ay ginanap nitong Lunes sa okasyon ng Trade and Investment Mission ng Malaysia sa South Korea.
Batay sa inilabas na pahayag ng ambassador ng South Korea sa Malaysia, mahigit 5,000 Malaysian, kabilang ang 1, 700 gov’t official ang nakatanggap ng edukasyon o pagsasanay na itinataguyod ng gobyerno sa South Korea sa nakalipas na 40 taon.
Ang bilateral economic cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ay patuloy na umunlad sa panahon ng pandemya, na nagtala ng mahigit US$26-B noong nakaraang taon.
Samantala, ngayong taon ang dalawang bansa ay naghahanda ng ilang mga plano para sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya.