Malaysia, mag-iisyu ng immediate approval sa chartered flights sa mga dayuhang papasok sa bansa

Malaysia, mag-iisyu ng immediate approval sa chartered flights sa mga dayuhang papasok sa bansa

MAG-IISYU ang Malaysia ng immediate approval sa mga chartered flight upang mapabilis ang pagpasok ng mga dayuhang turista sa bansa.

Sa kaniyang pahayag, kasabay ng pagdiriwang ng Hari Raya Aidilfitri ng tourism, arts, and culture ministry, sinabi ni Prime Minister Datuk Seri Anwar Ibrahim na ang desisyon ay naaayon sa pagsisikap ng gobyerno na mapagaan ang proseso upang mas makaakit ng mas maraming turista.

Aniya, ang desisyong ito ay naayon din sa pagsasaalang-alang ng gobyerno ng mungkahi mula sa Motac.

Ayon naman kay Tourism, Arts and Culture Minister Datuk Seri Tiong King Sing, ang mga isyu na may kinalaman sa visa ay inaayos na ng kagawaran.

Maari aniyang mapabilis sa unang yugto ang pag-apruba para sa mga chartered flight.

Dagdag pa ni Datuk Tiong, 4.38 milyon ang dayuhang turista ang nakapasok sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter