Malaysian government, handa nang pauwiin ang Malaysian nationals sa Russia

Malaysian government, handa nang pauwiin ang Malaysian nationals sa Russia

HANDA na ang Malaysia na pauwiin ang Malaysian nationals na naroon sa Russia.

Sa pahayag ni Malaysian Deputy Prime Minister Ahmad Zahid Hamidi, ito’y sakaling makompromiso na ang kanilang kaligtasan.

Ang mga Malaysian sa Russia ay pinayuhan na ring magdala palagi ng kanilang personal documents gaya ng passport at siguraduhing valid at mabilis mai-access ang kanilang travel documents.

Ang mga Malaysian naman na nais na pumunta sa Russia ay inabisuhan na huwag muna itong gawin sa kasalukuyan.

Sa tala, 755 ang registered Malaysians sa Russia.

Follow SMNI NEWS in Twitter