NAKAALIS na ng Pilipinas si Malaysian Prime Minister Dato Seri Anwar Ibrahim nitong hapon ng Huwebes.
Lumipad na pabalik ng Malaysia si PM Ibrahim kasama ang kanyang delegasyon matapos ang kanyang dalawang araw na official visit sa bansa.
Malaysian PM Ibrahim, ginawaran ng degree of Doctor of Laws honoris causa sa UP
Bago ang pag-alis sa bansa ni Anwar, ay ginawaran ito ng Doctor of Laws, honorary degree ng University of the Philippines (UP) sa isinagawang conferment ceremony sa UP Theater, Diliman, Quezon City.
Saad ng UP, ang pagbibigay ng honorary doctorate degree kay Anwar Ibrahim ay para sa mga adbokasiya ng Malaysian leader sa edukasyon at pagsusumikap na paunlarin ang mga diskurso hinggil sa ASEAN.
Gayundin ang dedikasyon sa pag-aaral sa buhay ni Dr. Jose Rizal, sa pagsusulong ng demokrasya at ng karapatan ng Islam.
Matapos nito, ay nagkaroon din ng public lecture si Anwar na sumentro sa usapin na may kinalaman sa ASEAN.
Malaysian PM Anwar, dinaluhan ang isang wreath-laying ceremony sa Rizal Park
Umaga rin yun ay dinaluhan ng Malaysian Prime Minister ang isang wreath-laying ceremony sa bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila.
Kasama ng Malaysian leader sa event sina Manila Mayor Honey Lacuna, Philippine Navy Chief of Naval Staff, RAdm. Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta at Department of Foreign Affairs Chief of Protocol Asst. Sec. Francisco Noel R. Hernandez III.
Malaysian PM Anwar, binigyan ni PBBM ng kopya ng classic Filipino novel na ‘Noli Me Tangere’
Samantala, nitong Miyerkules ng gabi, nagpalitan ng regalo ang dalawang lider kasunod ng tete-a-tete sa Malakanyang.
Niregaluhan ni Pangulong Marcos si Prime Minister Ibrahim ng 1909 Tercere Edition na ‘Noli Me Tangere’ ni Dr. Jose Rizal.
Kaugnay nito, ikinonsidera ni Malaysian Prime Minister si Rizal bilang “precursor to the Asian renaissance” at nagpaabot ng pasasalamat sa iniabot na regalo ni Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, nakatanggap naman si Dr. Wan Azizah Binti Wan Ismail, asawa ng Prime Minister, ng isang Waling-Waling brass card holder – isang decorative ornament na pinagsama ang ganda ng Waling-Waling at matibay at kaakit-akit na brass na gawa ng Cebuano artisans.
Pagkatapos nito, nagkaroon naman ng offering ng toast sa official dinner kung saan Pilipinas ang nag-host para sa Malaysian Prime Minister.
“I view the Prime Minister’s visit as a rekindling of an old bond, millennia in the making, between neighbors and ASEAN founding members, whose people have interacted and traded centuries before they even knew the concept of countries,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bilang tugon, nag-alay rin si Prime Minister Anwar ng isang toast na nagpapahayag ng kanyang lubos na pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Pangulong Marcos at ng iba pang delegasyon ng Pilipinas.
“We are determined to elevate Malaysia-Philippines relations to greater heights. We have a very fruitful discussion earlier, and I hope the seeds planted will bear into fruition,” ayon kay H.E. Dato Seri Anwar Ibrahim, Prime Minister, Malaysia.
Si Ibrahim ang unang Head of State na bumisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.