Maldives, mawawala sa mapa sa 2030; Pilipinas, dapat aksyunan ang problema sa climate change – CCC

Maldives, mawawala sa mapa sa 2030; Pilipinas, dapat aksyunan ang problema sa climate change – CCC

MAY babala ang Climate Change Commission (CCC) ngayong malala na ang isyu ng climate sa Pilipinas at buong mundo.

Sa panayam ng SMNI, sinabi ni Climate Change Commissioner Albert dela Cruz na may mga isla sa mundo ang mawawala sa 2030.

Halimbawa aniya dito ang Maldives.

Sa Pilipinas, mungkahi ng CCC na magkaroon ng tamang land use.

At ilipat ang mga nakatira sa low lying areas at calamity prone sites sa mas protektadong lugar.

Lalo na at palakas nang palakas ang mga bagyong bumabayo sa bansa kada taon.

Giit ng CCC, sana ay matuto tayo sa mga mapait na karanasan tuwing may bagyo.

Kaya dapat maging maayos ang land use sa Pilipinas.

Tututukan naman ng CCC ang climate change issue ngayong Marcos administration.

Lalo pa’t prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang problema sa climate change.

Follow SMNI NEWS in Twitter