TINIYAK ng Manila Water na tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng ligtas at maiinom na tubig kahit pa sa hamong dala ng tag-ulan tulad ng pagtaas ng turbidity o pagkakaroon ng malabo na tubig mula sa pinanggagalingan nito.
Kasabay nito ay ipinaalala na rin ng Manila Water sa kanilang mga customer ang regular na pagsusuri at pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang sariling plumbing system para sa ligtas na inuming tubig.
Ang Manila Water ay may mahigit 7.8 milyong customer sa East Zone ng Metro Manila at Rizal.