Mandatory evacuation centers sa bawat lungsod, isinusulong ni Sen. Jinggoy

Mandatory evacuation centers sa bawat lungsod, isinusulong ni Sen. Jinggoy

ISINUSULONG ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada, chairperson ng Committee on National Defense and Security, ang pagpapatayo ng mandatory evacuation center sa lahat ng probinsya, lungsod at munisipalidad.

Sa naging pagdinig nitong Martes Pebrero 21, 2023 sinabi ni Estrada na ang pagharap sa mga kalamidad ay bahagi ng pagiging isang Pilipino, kaya naman kailangang magkaroon ng mabisang patakaran ang pamahalaan na magtitiyak na ligtas ang bawat buhay sa anumang banta at panganib na sakaling darating sa bansa.

Ayon kay Estrada, sa pamamagitan ng hakbang na ito ay magiging sukatan ito bilang pro-poor measures na tumutugon sa mga madalian na pangangailangan sa lubos na nangangailangang pamilya para sa ligtas at disenteng pansamantalang tirahan sa panahon ng emerhensiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter