NANINIWALA si Senador Robin Padilla na malaking tulong ang disiplina at command structure ng mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mabilis at maayos na pag-mobilize ng tulong.
Ani Senador Padilla, isa itong dahilan kung bakit niya ihinain ang Senate Bill 236, o ang pag-reinstate ng mandatory ROTC.
“Kung buo ang ROTC natin, ang daling tawagin. Pag tinawag mo, organisado na sila, naka-platoon na sila, ang dali na silang utusan. Meron lang sinusunod na discipline, meron ng commander,” pahayag ni Senador Padilla.
Idiniin ni Padilla na kailangan ang disiplina at command structure para mabilis at maayos ang pag-mobilize ng tulong.
Ayon sa Senate Bill 236 na ihinain ni Padilla, ibabalik ang ROTC bilang requirement sa undergraduate degree o diploma programs sa pampubliko at pribadong tertiary level na paaralan.
“The restoration of the ROTC program will arm our youth with the competence and readiness required in serving our country to ensure the security of the State and our people,” ani Padilla sa panukalang batas.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang Basic ROTC Program ay may training sa:
* External and Territorial Defense
* Internal Security, Peace and Order and Public Safety
* Disaster Risk Reduction and Management
* Human Rights and Humanitarian Law
Exempted ang mga “physically or mentally unfit to render military service,” ang persons with disability, at mga na-convict sa criminal offenses involving moral turpitude.
Exempted din ang mga may isyu dahil sa pananampalataya, at ang mga dumaan na mga kaparehong military training mula sa undergraduate degree or diploma program.