INIHAIN ng ACT-CIS Party-list ang panukalang magiging mandato ng mga pribadong kompanya at government agencies ang mai-hire ang mga persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.
Sa panayam ng SMNI News kay ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, 5 hanggang 10% lang naman sa work force ang kanilang hihilingin na ilalaan sa nabanggit na sektor.
Marami aniya ang may problema lang sa paglalakad halimbawa subalit may kapabilidad na gawin ang isang office work.
Kasama rin sa ipraprayoridad ng kanilang party-list ayon kay Tulfo ang panibagong mga programa para sa solo parents.
Ito’y dahil ilang daang libong single parents ang hindi nakatatanggap ng nararapat na ayuda para sa kanila sa ilalim ng Solo Parents Act.