Mandatoryong pagsusuot ng face mask, isinusulong ng doktor

Mandatoryong pagsusuot ng face mask, isinusulong ng doktor

ISINUSULONG ngayon ni Doctor Anthony “Tony” Leachon ang pagbabalik ng pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar sa bansa.

Ito’y kasunod ng pagtuklas ng panibagong subvariant ng COVID-19 sa Pilipinas na FE.1.

Kasabay rito, pinaalalahanan din ng doctor ang mga awtoridad na huwag mag-relax at patuloy na paigtingin ang mga hakbang upang maiwasan ang transmission ng virus.

Sa ngayon, lubos pang pinag-aaralan ng mga eksperto ang nasabing subvariant ng COVID-19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter