Mangrove Tree Planting, Coastal Clean-Up Drive sa Noveleta Cavite, isinagawa ng Sonshine Philippines Movement

Mangrove Tree Planting, Coastal Clean-Up Drive sa Noveleta Cavite, isinagawa ng Sonshine Philippines Movement

PINANGUNAHAN ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang Mangrove Tree Planting Activity sa Brgy. San Rafael IV sa Noveleta, Cavite.

Katuwang ng SPM sa naturang aktibidad ang Sonshine Media Network International (SMNI), Keepers Club International, Local Government Unit ng Noveleta, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at barangay officials.

Nasa mahigit 100 mangrove ang itinanim ng mga volunteer ng SPM sa mangrove forest adopted area.

Ayon kay Melody Gaquit, presidente ng Noveleta Mangrove  Farmers Association, ang mangrove ay malaking tulong para maiwasan ang pagbaha at nagsisilbi rin itong santuwaryo ng mga ibon, alimango, at iba pa.

Nakaasiste rin sa naturang aktibidad ang ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para matiyak ang kaayusan papuntang mangrove forest adopted area.

Ang Sonshine Philippines Movement (SPM) ay itinatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy noong 2005.

Isinusulong ng SPM ang mga programa nito na naglalayong makamit ang sustainable development goals na mapangalagaan ang mga likas na yaman kabilang ang agri-forest, coastal at marine resources, at solid waste management.

Ang SPM ay buong nagmamalasakit sa kalikasan at aktibo sa mga aktibidad nito na isinasagawa, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bahagi ng mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter