Mangyayari sa Pilipinas, mas malala pa sa naputulan ng daliri kung hindi magbabago ang foreign policy ni PBBM

Mangyayari sa Pilipinas, mas malala pa sa naputulan ng daliri kung hindi magbabago ang foreign policy ni PBBM

ISANG miyembro ng Philippine Navy ang naputulan ng daliri dahil umano sa panghaharass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa kasagsagan ng resupply mission sa Ayungin Shoal kamakailan.

Kinondena ng pamahalaan at ng militar ang nasabing insidente.

Pero sabi ng isang foreign relations scholar, mas malala pa ang mangyayari diyan kung magpapatuloy ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa South China Sea.

At iyan ay kung wala ring magiging pagbabago sa foreign policy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Kung mas magiging malala pa diyan sa pagputol ng daliri, actually nangyayari na no. The real damage that the Philippines will experience is on its economy,” ayon kay Sass Rogando Sasot, Foreign Policy Scholar.

“If we are going to continue. This we will experience the worst inflation in our lifetime,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Sass Rogando Sasot, asahan na ang posibilidad na magagalit ang mga Tsino na magreresulta sa pag-boycott nila sa mga produkto ng Pilipinas.

Kaya tanong ni Sasot – kung mangyayari iyan ay saan ngayon kukuha ang bansa ng panibagong market na kasinglaki ng Tsina?

“Mas malala dahil magugutom ang lahat ng tao. The stomach of the Filipino people will be the one’s affected. Hindi lang iyang thumb. Iyang thumb kasi malayo iyan sa bituka. Pero mararanasan natin malapit malapit sa bituka,” ani Sasot.

Una na ring sinabi ng Bank of America na kung magpapatuloy ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay magdudulot ito ng seryosong pinsala sa ekonomiya ng ating bansa.

Pilipinas, gustong i-isolate ng Amerika mula sa ASEANACPSSI

Habang nakikipagtalo naman ang Pilipinas sa China, ang mga karatig bansa nito sa Southeast Asia gaya ng Thailand at Malaysia ay pinoproseso naman ang kanilang mga papeles para sumali sa BRICS habang ang Indonesia ay pinag-aaralan na ito.

Ang BRICS ay grupo ng mga lumalagong ekonomiya kabilang ang Brazil, Russia, India, China, at South Africa.

Pero iginiit ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI) na ayaw ng Estados Unidos na mapabilang diyan ang Pilipinas at nais tayong i-isolate mula sa ASEAN.

“We are blind to it in the Philippines. We are not being informed. That is why there are now up to 90 countries intent on joining BRICS. But tayo ay iniiwanan sa labas. Because the Americans want to control the Philippines, and I would also tell you that the Americans are oppressing our economy,” ayon kay Herman Laurel, President, Asian Century Philippines Strategic Studies Institute.

Pagbibigay-diin pa ni Herman Laurel – ginagamit lang ng Amerika ang Pilipinas para sa mga plano nitong geopolitical.

Ipinunto rin niya sa pulong-balitaan na patuloy na nabibiktima ang Pilipinas ng disinformation campaign ng Amerika.

Gaya na lamang ng ginawa nitong paninira sa bakunang Sinovac ng Tsina sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan milyun-milyong Pilipino ang nasawi dahil sa mataas na vaccine hesitancy.

Kaugnay rin niyan ay ibinunyag ng isang dating US intelligence officer na ginagamit lang din ng Amerika ang Pilipinas laban sa China.

Pilipinas, nangangailangan na ng maayos na mamumuno—foreign relations scholar

Ayon kay Sasot, dahil sa nangyayari ngayon ay kailangan na ng Pilipinas ng maayos na mamumuno dito.

“Now is the moment that the Philippines need a proper statesman. That would actually provide a good calculation of what’s going on in our country right now in order for the Filipino people to wake up,” giit ni Sasot.

“They need to elevate the Filipino people to the heights of international relations sophistication at tigilan na nila itong ginagawang boba itong mga no,” dagdag pa nito.

Inihalimbawa ni Sasot ang ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung paano niya ginising ang taumbayan sa lumalalang problema ng ilegal na droga sa bansa at kung paano ito sinolusyunan ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS on Twitter