Manhunt laban kina Bantag at Zulueta, inilunsad ng CIDG

Manhunt laban kina Bantag at Zulueta, inilunsad ng CIDG

INILUNSAD ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang manhunt operation laban kina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at Jail Officer Ricardo Zulueta.

Ito ay matapos ilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 266 ang warrant of arrest sa kasong murder laban sa dalawa.

Ayon kay PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., ipinag-utos niya ang pagbuo ng tracker team para sa case build-up at operational research upang matukoy ang kinaroroonan nina Bantag at Zulueta.

Hahanapin aniya ng tracker team mula Metro Manila hanggang Mindanao ang dalawa upang mapanagot sa batas.

Nabatid na sina Bantag at Zulueta ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa testigong si Jun Villamor.

Tiniyak ni Caramat na gagawin nila upang manaig ang hustisya alinsunod sa marching orders ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter