BUBUKSAN na ang COVID-19 field hospital sa Hunyo 24 sa ganap na 4:00 ng hapon sa Lungsod ng Maynila ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.
Ayon sa alkalde, sa halip na 60 araw ay natapos ang construction ng 52 araw lamang.
Matatandaang sinimulan ang pagpapatayo sa Manila COVID-29 field hospital sa bahagi ng Luneta Park sa lungsod ng Maynila nito lamang Abril 20,2021.
Ayon pa sa alkalde, ang naturang field hospital ay pinagsumikapang agad na matapos para makatulong sa matinding hamon ng COVID-19 pandemic.
Pumayag ang Department of Tourism (DOT) at National Parks and Development Committee (NPDC) sa panukala ni Mayor Isko sa pagtatayo ng ospital para makatulong din ang tourism sector sa problema ng dumaraming kaso ng COVID-19.
Nabatid ang field hospital ay may 4,402 square meters at 336 na bed capacity para sa mild and moderate cases para mabawasan ang mga pasyente ng mga ospital na punuan na sa ngayon.
Nasa kabuuang P154-milyon pondo ang inilaan ng lokal na pamahalaan sa naturang hospital.
Samantala ngayong araw naman ay inaprubahan na ni Mayor Isko ang P7.5 milyong budget para sa insurance coverage ng mga barangay officials sa lungsod ng Maynila.
Ang ceremonial signing ay ginawa ng alkalde sa harap ni Vice Mayor Honey Lacuna Pangan at sa iba pang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG), CESO V, at mga opisyal mula sa Government Service Insurance System (GSIS).
Sa ilalim ng kasunduan alinsunod sa Resolution No. 1, Series of 2021, of the Manila Peace and Order Council (MPOC) at alinsunod sa pagpapatupad ng 2020 to 2022 Manila Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan, inaprubahang ang naturang budget na aabot sa 45,700 barangay officials sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa makikinabang sa accident insurance kung ang mga ito ay maaksidente ang mga punong barangay, sangguniang barangay member, sangguniang kabataan chairperson, barangay secretary, barangay treasurer, miyembro ng Lupong Tagapamayapa at miyembro ng Barangay Tanod Brigade.
Ang bawat barangay officials ay may karapatan sa accidental death compensation sa halagang P150,000 at may P15,000 medical reimbursement, P10,000 naman para sa burial assistance.
“Option 1 P150,000, that’s a good start, they will keep protected, someday sana may magawa na batas na may premium na talaga sila,” pahayag ng alkalde.
“So thank you for this, thank you for the opportunity, I’m happy that there is a level of comfort and confidence, maglingkod sa bayan sa barangayan,” dagdag ni Mayor Isko.