NANGAKO si Manila City, Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na makaasa ang bawat Manileño na sa mga darating na araw at mga taon ay ibibigay niya ang mataas na uri ng paglilingkod sa pamamagitan ng masinop, epektibo, at episyente na pamamahala.
Ito ang sinabi ng alkalde sa unang 100 araw sa pamumuno nito, ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila ay unti-unting isinakatupuran ni Mayor Lacuna-Pangan ang kanyang sinumpaang pangako na kanyang itataas ang antas ng panunungkulan.
Lubos din siyang nagpapasalamat sa suporta at tulong na ibinibigay sa kaniya at sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang maipadama niya ang kalinga ng isang ina at ng isang doktora sa buong Maynila.