Manila Water, target makumpleto ang Raw Water Intake Structure ng East Bay Phase 2 sa Q3 2025

Manila Water, target makumpleto ang Raw Water Intake Structure ng East Bay Phase 2 sa Q3 2025

PATULOY na umuusad ang mga hakbangin ng Manila Water para palakasin ang seguridad sa suplay ng tubig para sa East Zone dahil malapit na ngang matapos ang Raw Water Intake Structure project nito.

Nasa 92% na ang pagkakumpleto ng Raw Water Intake Structure na bahagi ng Php525-M East Bay Phase 2 Water Treatment Plant Project.

Inilunsad ang nasabing proyekto noong Hunyo 2023, na layuning kumuha ng 200 milyong litro ng raw water kada araw mula sa Laguna Lake at magbibigay-daan sa mas matibay at sustainable na suplay ng tubig para sa higit na dalawang milyong residente ng Pasig, Pateros, at Taguig.

Inaasahan namang matatapos ang proyekto sa ikatlong quarter ng taon na magiging isang pangunahing bahagi ng long-term strategy ng Manila Water at kapag operational na, ay magpapalakas sa kredibilidad ng serbisyo sa tubig, lalo na sa panahon ng tag-init.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter