MAAARING aabot sa ‘danger’ level o mapanganib na lebel ng init ang Metro Manila at sa 29 na iba pang lugar sa bansa.
Ito ang pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, posibleng maitala ang 44 degrees Celsius sa Pasay City, habang sa PAGASA Science Garden sa Quezon City ay maaaring aabot sa 43 degree Celsius.
Posibleng maramdaman din ang 45 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City sa Pangasinan; Aparri sa Cagayan; San Jose sa Occidental Mindoro; Puerto Princesa City sa Palawan; at Aborlan, Palawan.
Ang 44 degrees Celsius naman ang posibleng maitala sa Tuguegarao City sa Cagayan at Guiuan sa Eastern Samar.
Samantala, naitala naman kahapon, Abril 23, ang pinakamataas na heat index ngayong taon sa Aparri, Cagayan na umabot sa 48 degrees Celsius.
Noong Marso 28 din naitala ang kaparehong heat index sa Roxas, Capiz.