Marawi Compensation Bill, aprubado na sa Senado

Marawi Compensation Bill, aprubado na sa Senado

APRUBADO na sa Senado ang Marawi Compensation Bill o tulong pinansyal sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa naganap na Marawi Siege noong taong 2017.

Nakakuha ang Senate Bill No. 2420 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2021 ng unanimous vote mula sa mga senador.

Maliban sa mga nawalan ng tirahan, kasama ding mabibigyan ng kompensasyon ang mga may-ari ng property na giniba dahil sa pagpapatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program.

Ang inisyal na pondo para dito ay manggagaling sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa MRRRP.

Minamandato naman ng panukalang batas ang pagbuo ng Compensation Board na siyang sasala sa lahat ng aplikasyon ng claims at ang tutukoy sa halaga ng ibibigay na monetary compensation.

SMNI NEWS